Patuloy ang ikot ng plaka
Kung gaano kadami ang mga taong in denial sa kanilang feelings, ganoon din kadami ang mga taong hindi sumasang-ayon sa katagang “OPM is not dead.” Katulad na lang ng ilang independent at mainstream Filipino musicians na fina-follow ko sa Twitter, hindi sila maka-move on sa argumentong “OPM is not dead” at tila ba naging forever na ang kanilang pagtatanggol para sa musikang Pilipino. Samu’t saring mga komento ang nabasa ko mula sa kanila pero hanggang ngayon, ang argumentong ito ay hindi pa rin natutuldukan dahil may mga Pilipino pa rin ang naniniwala naglaho na ang tunay na musikang Pilipino.
Sa totoo lang, hindi naman talaga patay ang local music industry ng Pilipinas o Original Pilipino Music. Madami lang sigurong nakikitang dahilan kung bakit nauuwi sa ganito ang opinion ng isang Pinoy. Isang dahilang na naiisip ko ay kinain na tayo ng sistema na minsan kapag nakakarinig tayo ng isang kantang gawa ng Filipino artist, naiisip agad natin na baduy, walang kuwenta, at ordinaryo lang para sa ating mga tenga. Pero kapag narinig natin ang mga kanta ng mga foreign artist, maganda kaagad ito kasi iba ang lahi ng kumakanta. Cool pakinggan.
Mayroon akong isang teoryang naisip tungkol sa nangyayari sa ating music industry: rebranding. Tipong hindi naman talaga nawala sa eksena ang musikang Pilipino, nag-e-exist pa rin siya, nasa ibang anyo nga lang. Maaari kasing iniba ng mga millennial ang pangalan ng OPM ngayon. Hindi na ito ‘yong mga kantahang Nora Aunor, Imelda Papin, at kung sino pang jukebox kings and queens pero ito na ang mga kantahang Yeng Constatino, KathNiel at kung sino pag musikero kuno na maririnig mo sa radio, nationwide.
“…hanggang may isang taong pumupunta sa mga gig, mabubuhay at mabubuhay ang local music industry ng ating bansa.”
Kasama sa mga artist na nagre-rebrand ng ating music industry ay ang mga musikerong bukod sa pag-ibig, ay gumagawa rin ng mga kantang may mas malalim pangkahulugan at maituturing na may “advocacy”. Madalas, walang nakaka-intindi ng mga kanta nila dahil may pagka-experimental ang kanilang, kumbaga ay genre; mga kantang sa tingin ko, minsan ay ang mga kaibigan, pamilya at mga taong banda o mga taga-indie o taga-independent music industry lang ang kanilang tagapakinig. Sila rin ‘yong tipo ng mga musikerong ang layunin ay gumawa ng mga musikang hindi pilit at nasa puso. Sila rin ‘yong musikerong tutugtog kahit walang bayad, maibahagi lang nila ang kanilang musika dahil ang tingin nila sa musika ay craft na hindi dapat pinagkakakitaan.
Nakakalungkot kasi hati ang music industry ng ating bansa na dahil hindi dapat sila kinukumpara ng ganito na parang magkaiba sila dahil parehas naman sila na gusting patibayin pa ang kulturang Pilipino, makaiba lang siguro ang atake nila. Ang isa ay “maka-masa” samantalang ang isa naman ay hindi iniisip ang masa kung hindi ang sining ng musika.
Sabi nga sa isang kanta ng Ang Bandang Shirley, “tama na ang drama, tama na ang luha” kasi hindi talaga matatapos ang argumentong ito dahil ang totoo? Hindi naman talaga nawala sa eksena ang OPM, mas lalo nga itong humuhusay, hindi nga lang ito napapansin dahil sa ang mga panggulo na “singer” kuno na pinagkakakitaan lang ng mga record companies. Iiwan ko nalang siguro ang aking punto sa isang tweet na mula kay Ely Buendia. “There is nothing wrong with people enjoying old music, baby. Just don’t say [OPM] is dead. It negates everything the pioneers have fought for,” at hanggang may isang taong pumupunta sa mga gig, mabubuhay at mabubuhay ang local music industry ng ating bansa.