Back

It’s okay to be soft

“Umiiyak ka? Mahina pala loob mo e!”

“Naaapektuhan ka do’n? Ang weak mo naman!”

Ito ay ilan lamang sa mga pahayag o sinasabi ng iba sa isang taong umiiyak, nalulungkot, o negatibong naaapektuhan dahil sa isang sitwasyon. Ngunit bakit kaya nila ito nasasabi? Maaaring hindi nila nararamdaman ang mga pakiramdam ng ibang tao o maaaring hindi nila nagugustuhan ang reaksiyon ng ibang tao dahil magkakaiba tayo ng paraan ng pag-unawa sa isang bagay o sitwasyon.

Ako mismo ay naranasan ko nang mahiya sa aking nararamdaman at itago ang aking reaksyon sa isang sitwasyon o pangyayari dahil alam kong may mga taong hindi mataanggap o magugustuhan ang aking mga paraan. Hindi madali para sa akin ang tinahak kong kurso. Bilang isang Accountancy student, ako ay nakakaranas makakuha ng mabababang puntos sa mga pagsusulit o hindi makatapos sa mga exams dahil sa kagipitan ng oras na ibinigay sa amin. Natural sa akin na makaramdam ng lungkot at kaba tuwing nararanasan ko itong mga nasabing sitwasyon dahil ako ay grade-conscious na estudyante. Dumating sa puntong nilalabas ko na lang ang aking mga nararamdaman kapag wala na akong kasama o kapag kasama ko na lang ang mga pinagkakatiwalaan kong tao katulad ng aking pamilya at ibang matalik na kaibigan na alam kong hindi ako huhusgahan.

Kung isa ka naman sa mga taong hindi mabilis makaintindi ng nararamdaman ng iba o hindi alam kung anong sasabihin kapag nag-pahayag n damdamin ang ibang tao, mabuti na ang wag nang magsalita kaysa magsabi pa ng masasakit na salita. Maging sensitibo sa mga nararamdaman ng bawat tao at subukang magbigay ng empathy.

Kung isa ka sa mga taong katulad ko na nahihiya ipakita ang nararamdaman sa iba dahil nangangambang mahusgahan, ang maipapayo ko sa iyo ay humanap ng mapagkakatiwalaang tao o lugar kung saan hindi ka mahihiyang malabas ng iyong saloobing. Katulad ng sinabi ko kanina, kapag kasama ko ang mga kaibigan ko, nahihiya akong magsabi o maglabas ng nararamdaman ko kasi tulad ko, estudyante rin sila at nararanasan nilang maghirap sa pagaaral at sa pamamahala sa oras.

Tandaan, mapa-lalaki o babae man,

Hindi krimen ang makaramdam ng negatibo.

Libre lang ang pag-iyak, at nakagagaan ito sa pakiramdam. ‘Wag ninyong hayaan na i-invalidate ng ibang tao ang inyong nararamdaman.

Post a Comment