Lasallians react to “shooting” reports
People around Dasmariñas City were alarmed by a Facebook post about another alleged riding-in-tandem shooting incident around 8PM on August 24. Rumors were spreading that the shooting took place within meters of Gate 3 of DLSU-D which was later proven to be false. However, students at home or still in school were and certainly are still greatly affected by this, and here’s what some of them have to say.
“Edward”
CEAT
Siyempre noong una parang nakaka-alarm siya kasi isipin mo nasa campus na—nasa vicinity na ng campus‘yong shooter tapos ikaw, as a student, may times na gagabihin ka ng uwi. Most of the shootings happened at night. Parang maa-alarm ka na pwede kang maging target. Tapos [noong nalaman kong] fake news, medyo relieved [ako], pero still, fake news siya so kung magco-continue ‘yong pag-spread ng fake news, parang magkakaroon ng panic, tapos parang maco-confuse ’yong [mga] tao.
“Al”
CLAC
Actually ako, sa totoo lang, medyo nabahala ako kasi siyempre estudyante [ako], nag-aaral. Kasi ang balita no’n ay galing pa raw siyang (suspect) Bacoor, galing Imus, galing Salitran, tapos napunta na rito sa Gate 3. Tapos siyempre ako, as a member of the performing arts group, nagre-rehearse kami hanggang alas-nuwebe.
“Charles”
CLAC
I think it (violence) is normal naman na po, kasi sa part namin sa Cavite, di ko na lang banggitin yung lugar kasi baka itumba din ako doon kung sakali. Medyo magulo na rin kasi talaga, although dahil sa certain na pinagga-gawa nila [President] Duterte rin, parang mas naungkat ‘yong violence sa atin (Cavite), so tingin ko, parang version lang siya na nagiging sensationalized ‘yong killings kasi dati pa naman may killings e.
“Chris”
CBAA
Noong unang sinabi ‘yon (shooting incidents), siyempre nakaka-alarma kasi malapit pa rito sa school. Pero noong nalaman ko na fake [news] daw, siyempre nakakainis kasi nagkakalat sila (netizens) ng mga balita na hindi naman totoo. Parang lalo lang mate-tense ‘yong mga estudyante.
“Job”
CSCS
Nakakagulat lang kasi nakatira kami rito sa dorm. E, sa dorm sobrang tight ng community, so may na-receive lang na isang text, tapos kumalat na. Meron pa ngang reports na Gate 3 daw, meron daw [sa] Gate 1, tapos ‘yong kuwento pa nga [ng iba] sa Gate 1, senior high school student daw yung nabaril. Tapos tinanong ko rin ‘yong mga guwardiya, parang sila rin daw ay malabo ‘yong kuwento [para sa kanila]. Tapos ‘yong roommates ko, naka-kotse sila at nakita nga nila noong pagpasok nila sa Gate 3, marami raw pulis, may mga patrol. Pero ‘yong guwardiya, ang official statement nila, unconfirmed. So magulo lang talaga. At marami rin daw nagsasabi na fake news daw, e sa panahon ngayon lahat naman yata fake news na, e.
“Pauline”
CLAC
Siyempre nakaka-alarm siya (shooting incident) lalo na po sa areas na nasa proximity ng school natin.. Tapos buti po nalaman as soon as possible na fake news siya, kasi if kumalat pa, baka mag-cause ng further damage [sa buong community].
“Pea”
CTHM
Very unsafe sa ating mga student kasi lalo na tayo, hindi naman lahat ng estudyante may car, ‘di naman lahat sinusundo. ‘Di ba mostly nagco-commute ‘yong mga taga-dito lang around Dasma. So dapat talaga magkaroon ng high security at saka mag-doble ingat ‘yong mga estudyante.
“Jed”
CBAA
At first siyempre, nakakatakot lang din. Unang-una, siyempre nakakagulat. Lasallian tayo, nandito tayo sa loob ng DLSU-D tapos, paglabas mo biglang may, boom—may nagpuputukan na agad. Hindi natin alam kung kalian magiging safe lumabas ng DLSU-D kasi alam nating hindi ito well–guarded. So hindi natin alam kung okay pa lumabas, kung okay pa magpa-late [ng uwi], especially those students na may 5-8:30 [PM classes], especially BGM students.
“Lyssa”
CBAA
‘Yong dorm ko diyan lang [makikita] sa may Gate 1. Tapos natakot ako kasi kung uuwi ako, hindi ko alam kung paano ba, kasi ‘di ba parang [sa] Salitran [nangyari ‘yong incident] , tapos Gate 3, baka mamaya Gate 1 na. Tapos noong time na ‘yon, iniisip ko kung uuwi ba ako. Parang sabi ko parang hindi na safe. Kaya kapag tatawid ako, tinitingnan ko talaga kapag may motor. Kapag may motor, tumatakbo na ako. Kasi lalo na lagi silang naka-helmet tapos ‘di ko alam (identity) so iyon ‘yong ginagawa ko na lang.
“Bar”
CLAC
May nabasa nga ako doon sa Facebook na no helmet policy. Sa tingin ko naman, okay naman siya. Medyo 50-50 siya, okay siya para kasi makita natin ‘yong mga nakasakay doon sa motorcycle, kaya lang ’young safety din ng nakasakay naman kahit sabihin natin na 20mph lang sila. Sa tingin ko mas magiging aware ‘yong students, kasi minsan pumupunta tayo kung saan-saan, pero ngayon siguro diretso uwi na tayo.
Disclaimer: All names have been changed to safeguard the identity of the respondents.