Back

Pagkamulat

 

nagising ako na naghihikahos

kuko’y nakayukom sa kamao

hanggang ngayo’y tila musmos

tumatangis sa nginig ng buto

ultimo sa kinalakihan ay nakagapos

tinuturing nilang bayolenteng lobo

 

panaho’y lumipas bago namulat

kulungan pala’y hindi nakasarado

malaya ako sa sarili kong balat

kayang tumindig mula sa pagkakaupo

ngunit tinanggi ang malawak na gubat

marunong palang humindi’t umoo

 

may boses pala akong maiparirinig

may mga kamay pala na magbubuhat

magsasalita laban sa mga manlulupig

hindi na mauuto pa, magbubulatlat

prinsipyo’y sa kagubatan na ididilig

tunay na anyo’y ilalabas sa lahat

 

 

Art by Emmanuel Esmilla

 

Post a Comment