Patriot cagebelles, ikinasa ang ika-limang sunod na panalo sa 10th UCCL

Dulot ng hustle plays at fast break points ng pares na sina Jade Valenzuela at Jel Ponce ng Lady Vanguards at sunod-sunod na mintis ng Lady Patriots, napunta sa alanganing posisyon ang green-and-white squad sa unang bahagi ng laro, 19-25.
Ngunit binaligtad ng two-time defending champions ang pangalawang bahagi ng istorya, matapos pangunahan ang mga matatalim na kombinasyon ng drives at jump shots nina Patriot Mariel Campasa at Agatha Azarcon, 51-32.

Patuloy na nanaig ang Patriot cagebelles matapos ang sunod-sunod na pagkakamali at pagmintis ng Lady Vanguards na naging dahilan para makumpleto nila ang pull-away victory, 87-78.
Hinarap ng DLSU-D Lady Patriots ang kanilang sister school na De La Salle-Lipa Lady Chevrons para sa huling laro ng double round-robin eliminations, na ginanap sa FAITH gymnasium, Tanauan City, Batangas, kaninang alas-dyes trenta ng umaga, Agosto 28.